Title: Hulyen x Tabi Po
Medium: graphite on watercolor paper
Dimensions: 5.8 x 8.2 in
Description:
Si Hulyen sa mundo ng Tabi Po ay hindi tao. Isa siyang Espirito ng Paghihiganti at patron saint ng mga freelance artists. Minumulto niya ang mga kliyenteng matagal magbayad. Yung mga nagpapagawa ng X-deal pero nang-goghost sa usapan. Matitigil lang ang sumpa kapag nakapagbayad na ang kliyente o kapag naibigay na ang naipangakong kape.
Paborito niyang sandata ang gunting na panggupit ng stickers.
Puwede siyang i-summon ng mga artists na di pa nababayaran. Kailangan lang ng isang litrong luha, pinya, hulyen stickers, at dapat nakafollow sa page niya.