Ang mga Pusa ng Barangay Masikap #1 (Digital Comic)

Regular price ₱150.00

Don't want to use paypal or credit card to purchase this item?
We accept manual payments via BPI or BDO. Simply choose the bank deposit option as your payment method during the checkout process.

Hindi lang ang mga maralita ng lungsod ang nakatira sa masisikip na kanto't barung-barong ng Barangay Masikap, mayroon ding mga kaluluwang ligaw na naghahanap ng katawang babahayan, mga parasitikong engkanto sa pinakamadidilim na sulok, mga galising sigbin na nangangalkal ng basura, at mga pusa—mga pusang may kani-kaniyang taglay na kapangyarihan. Sila ang nagsisilbing tanod na nagpapanatili ng kaayusan dito sapagkat may mga bagay na hindi kayang lutasin lang ng mga tao. 

Sa unang pakikipagsapalarang ito, isang kuting ang dinakip ng mga tao para sa isang madilim na plano na nagbabadya ng katapusan sa buong Barangay. Mabuti na lamang at nakapagpadala ito ng mensahe sa ating mga bidang pusa. Sundan kung paano nila malulutas ang problemang ito.