Be our co-producer! Ella Arcangel Animation Episode 1

Regular price ₱1,500.00

Don't want to use paypal or credit card to purchase this item?
We accept manual payments via BPI or BDO. Simply choose the bank deposit option as your payment method during the checkout process.

Patapos na ang animation ng Ella Arcangel: Oyayi sa Dilim. Halaw ito sa unang kuwento ng Ella Arcangel komiks ni Julius Villanueva. Sinimulan ko ito isang taon na ang nakakalipas habang sariling-sikap na nag-aaral ng animation. Marami na akong natutunan simula noon kaya binalikan ko ang ilang mga eksena hanggang maging masaya ako sa kalidad ng animation nito. Episode 1 pa lang ito at nais kong ipagpatuloy ang paggawa ng mga susunod pang episodes. Maaari kayong makatulong sa pagpapatuloy nito sa pamamagitan ng pagiging co-producer ng proyektong ito!

 

Buod ng Ella Arcangel

Isa ang Barangay Masikap sa mga maralitang sulok ng siyudad at lingid sa kaalaman ng mga naninirahan dito, hindi lang mga tao ang nagsisiksikan sa dikit-dikit at tagpi-tagping mga barung-barong nito. May sigbin na nangangalkal ng basura, may higanteng palaka na nagtatago sa imburnal, at may tiyanak na nag-aabang sa mga pinaka-madidilim na kanto. Iisa lang ang takbuhan ng mga tagarito sa tuwing namromroblema sila sa mga ito—si Ella Arcangel, ang batang mambabarang.

 

Buod ng Episode 1: Oyayi sa Dilim

Limang araw nang nawawala si Wayti, ang alagang aso ni Jepoy. Nang matagpuan nila, hinang-hina ito na halos naghihingalo na at may isang maliit na itim na nilalang na nakakabit sa dibdib nito. Ano ang mangyayari kung lumipat sa tao ang tila parasitikong ito? Isa lang ang makakatulong sa kanila—si Ella Arcangel, ang batang mambabarang ng Barangay Masikap. 

 

Bakit ko ginagawa ito?

Nang mabasa ko ang Ella Arcangel, nagustuhan ko talaga ito agad. Nakaramdam ako ng inggit kay Julius dahil nauna niyang naisip at nagawa ito kaysa sa akin. Ganun ko ito kagusto kaya nung maisip kong gumawa ng animation, nagpasya ako na itong Ella ang una kong gustong iadapt. Naniniwala ako sa halaga ng kuwentong ito at sa mensaheng gusto nitong iparating. Bagay na bagay ito sa panahon natin ngayon.

 

Bakit kailangan ko ng tulong pinansiyal?

Mag-isa ko lang itong ginagawa dahil gusto kong patunayan sa sarili ko at sa iba na kaya ko itong magawa gamit lamang ang limitado kong resources. Nais kong gumawa ng proof of concept kumbaga para mas madaling ipakita sa mga may interes ang vision ko para dito. Kung kaya ko itong magawa nang mag-isa, paano pa kaya kung magkaroon pa ako ng funds? Sa ngayon, ako at si Prin (ang aking butihing asawa) pa lang ang nagpaboses dito. Ibinigay namin siyempre ang lahat ng makakaya para dito pero alam naming limitado ang aming kakayahan. Kung magkakaroon ng funds, magagawa kong maghire ng mga totoong voice talents para dito. Bukod doon, magagamit ko rin ang pondo para sa musical scoring at sound design—mga bagay na aaminin kong labas sa aking kakayahan. At panghuli at higit sa lahat, magagawa kong mabayaran si Julius kung magkakapondo na. Sa kaniya pa rin ang kuwentong ito at kailangang mabayaran siya para sa karapatang gamitin ang kuwento niya sa animation na ito.

 

Ano ang makukuha mo sa pagiging co-producer?

Lahat ng co-producer ay magkakaroon ng:

  • HD (1920 x 1080) MP4 file ng Ella Arcangel Episode 1: Oyayi sa Dilim
  • High-res poster file
  • Pangalan sa credits ng episode
  • Digital doodle portrait (pasend ng picture sa mervin@tabi-po.com

Additional rewards ng Level 2:

  • Signed copies ng Ella Arcangel 1 at 2 komiks

 Additional rewards ng Level 3:

 Additional rewards ng Level 4:

  • Signed copies ng Ella Arcangel 1 at 2 komiks
  • Mimiw Sculpture
  • Special cameo appearance in a crowd scene with possible speaking lines

Posibleng madagdagan pa ang mga rewards na ito depende sa dami ng taong magbibigay ng suporta.

 

 

Paano kung patron ako sa patreon.com/mervinmalonzo?

Lahat ng patrons sa “producer” tier ng aking patreon ay automatic na kasama na sa producers ng Ella Arcangel animation.

 

 

 

 

Saan ipapalabas ang episode kapag tapos na ito?

Pinag-iisipan naming ilagay ito sa isang pay per view streaming site para maging accessible sa lahat. Pinag-iisipan din namin kung ilalabas ito nang libre sa youtube o hindi pa dahil priority namin ngayon na kumalap ng pondo sa lalong madaling panahon para sa pagpapatuloy ng proyektong ito.

 

Ano ang makukuha mo ngayon pagkabayad mo?

High-res file ng poster at 'yung mismong movie file ng animation ngayon! Nakasampung minuto na ito. May makukuha kang download link sa email pagkacheckout mo. 

 

 

Kung may naiisip kayong ibang paraan para tumulong dito, email niyo lang ako sa mervin@tabi-po.com. Maraming salamat sa patuloy na pagtangkilik! 

Nagmamahal,
Mervin Malonzo