Mimiw Figurine

Sale price ₱1,000.00 Regular price

Don't want to use paypal or credit card to purchase this item?
We accept manual payments via BPI or BDO. Simply choose the bank deposit option as your payment method during the checkout process.

Si Mimiw ang dakilang pusang mambabarang mula sa ELLA ARCANGEL Tomo Pangalawa: Awit ng Pangil at Kuko. Limang taon siyang nawala ngunit nagbalik siya para tulungan si Ella na puksain ang isang halimaw na umuubos sa mga pusa sa Barangay Masikap. Masungit siya dala ng katandaan at pagiging pusa niya pero tiyak naman ang kaniyang kabutihang loob. Wala pa ring nakakaalam kung paano niya natamo ang pilat sa kaniyang nawawalang kanang mata. Nakakapagsalita rin siya ngunit ang mga mambabarang lang na tulad ni Ella ang nakakaintindi sa kaniya.

Maaari niyo na siyang makasama para protektahan ang mga gamit sa mesa o mga libro sa bookshelves ninyo!

Bawat isang Mimiw ay hinulma at pinintahan ni Mervin Malonzo nang may pagmamahal at ibayong atensiyon sa mga detalye.

Matte ang finish sa buong katawan niya at gloss naman sa mga mata at kaunting bahagi ng ilong para sa mas realistic na effect. Gold pigment ang ginamit na pintura sa mga mata niya para makuha ang pagiging reflective ng mata ng mga pusa. 

Lapad: 1.25 in
Kapal: 2 in
Taas: 2.3 in

 

 

Mag-ampon na ng isang Mimiw! Inaabangan niya na kayo.