Pakikisalamuha (Digital Comic)

Regular price ₱150.00

Manual payments only via GCash, BDO, or BPI. Simply choose your payment method during the checkout process. Instructions will be sent via email.

Pagkatapos mong grumadweyt sa pag-aaral, saglit na titigil ang mundo mo. Dahil ito ang takdang oras para pag-isipan kung aling landas ang tatahakin mo.

Nakatigil ang buhay mo sa saglit na panahong hindi mo pa alam kung ano ang trabahong kukunin mo o kung magtratrabaho ka nga ba.

Sa mga oras na ito na bukas ang iyong isip sa mga maaaring maganap, nagkakalamat ang reyalidad at mula sa mga lamat na ito nakakasingit ang mga kakaibang nilalang na may puro at dalisay na salamangka upang makisalamuha sa ating daigdig.