Walong Diwata ng Pagkahulog

Regular price ₱400.00

Don't want to use paypal or credit card to purchase this item?
We accept manual payments via BPI. Simply choose the bank deposit option as your payment method during the checkout process.

Siya si Ayel sa mga nagpalaki sa kaniya, tulad ng Tito Tony at Lola Bining niya. O ang Atisan Boy sa mga kababata niyang sina Glen, Michael, at Erik. Siya rin si Delka Linar, ang kinarambolang buo niyang pangalang Karl Daniel, na itinawag niya sa akala niya’y inimbento lang niyang kaibigang duwende. At si Arcangel na bida sa isinusulat niyang nobela. Sa mga panaginip niya, siya si Karl, at Karl Kabute naman para kay Teresa, ang babaeng nakababasa ng isip kapag gabi, dahil basta-basta raw siya lumilitaw at basta-basta rin nawawala. Pero para sa iba pang minahal niya pero di naman siya nakilala talaga, tulad ni Orange, ang isa sa triplets na anak ng magpuprutas sa San Pablo, basta siya si Daniel. Sa isang banda, isang nobela ito tungkol sa paghahanap ng pagkatao sa harap ng mga pagtatangkang magsulat ng nobela. Pero kuwento rin ito tungkol sa pagtitimbang sa halaga ng mga nawala, nawawala, at wala naman talaga sa buhay natin kahit pa sa simula’t simula.

Si EDGAR CALABIA SAMAR ay premyadong makata at nobelista na tubong-San Pablo sa Laguna. Kabilang sa kaniyang mga aklat ang Janus Sílang series at Alternatibo sa Alternatibong Mundo: 13 Metakuwento/Malakuwento. Pinakabago niyang mga aklat ng tula ang Maskara't Pambata: Malatulambuhay at Samantalang Sakop at Iniibig: Panibagong Tulambuhay. Kasapi siya ng LIRA at Filipinas Institute of Translation at kasalukuyan din siyang associate professor sa Ateneo de Manila University at visiting professor sa Osaka University.

_______

Ang edisyong ito ay dinisenyo at iginuhit ni Mervin Malonzo